All About Love
"Handa kang masaktan." Kung magmamahal ka, dapat handa kang masaktan. Hindi sa lahat ng panahon, masusuklian ang pagmamahal na binigay mo para sa ibang tao. Minsan sa sobrang pagmamahal mo, nakakalimutan mo nang magtira para sa sarili mo. "Mahalin ang sarili bago ang iba." Ang pagmamahal ay nagsisimula sa sarili. Kung nararamdaman mong nais mong sumaya, magmamahal ka ng ibang tao. Mahal mo ang mga magulang mo, kapatid, kamag anak o mga kaibigan. Pero may mas nakasisiyang pagmamahal ang mararamdaman mo sa ibang kasarian. Ngunit, huwag mong ituring na mundo ang pagkatao ng iba dahil kapag nawala sila, ikaw ang kawawa. Ang isang relasyon ay hindi tumitibay kung isang tao lang ang nais na maging mabuti ito. Hayaan ang di pagkakaintidihan at pagkakaiba sa isa't isa. Kung tunay ang pagmamahal ninyong dalawa, walang balakid ang hindi malalagpasan. "Mahal mo sya, at mahal ka nya." Bigyan mo ng patunay ang pagmamahal na iyon hindi lamang sa s...